Virtual celebration, idaraos sa Linggo ng Lucena

Bilang bahagi ng ‘New Normal’, isang virtual celebration ang idaraos sa paggunita ng ika-59 na taon ng pagkakatatag ng Lungsod. Ang Linggo ng Lucena ay magaganap mula ika-15 hanggang ika-20 ng Agosto.

Kabilang sa mga kaganapan ang ibat-ibang uri ng kompetisyon na magaganap rin online: ang Digital Arts Poster Making, Sanaysay or Essay-writing, at Spoken Word Poetry.

Magkakaroon din ng Clean-Up Drives sa iba’t ibang wall painting sites ng lungsod, kabilang ang Red-V, Brgy. Ibabang Dupay (malapit sa Dumacaa Bridge), Quezon Avenue (harap ng St. Ferdinand Cathedral) at Tagarao-Bonifacio Tantuco walls sa Brgy. Ilayang Iyam (malapit sa Pleasantville).

Magpapagalingan naman ang mga mag-aaral sa Grade 5 at Grade 6 sa pagsagot tungkol sa kasaysayan ng Lucena at sa mga bayaning tampok sa Heroes Lane sa Virtual Quiz Bee sa ilalim ng Lucena Council for Culture & the Arts.

Bibigyang pugay ang ika-142 kaarawan ni Pangulong Manuel Luis Quezon sa Paaralang Elementarya ng Ilayang Dupay sa pamamagitan ng tradisyonal na floral offering.

Tampok sa huling araw ng selebrasyon, Aug. 20, ang Virtual Awarding Ceremony sa mga nanalo ng Digital Arts Poster-Making, Sanaysay or Essay-writing, at Spoken Word Poetry.

Idineklara ring Special Non-Working Day ang Agosto 20 sa buong lungsod ng Lucena upang magbigay-daan sa paggunita ng anibersaryo.

Ang Office of the City Tourism, sa pangunguna ni G. Arween Flores, ang nangasiwa ng isang linggong pagdiriwang.

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *