People’s Day, inilunsad
Sa ilalim ng programang People’s Day, muling inilapit ang iba’t ibang serbisyo publiko ng Lucena City Hall sa mga barangay.
Sa pangunguna ni Mayor Mark Don Victor Alcala, kasama ang mga pinuno at kawani ng kagawaran ng lokal na pamahalaan, ay inihahatid sa mga mamamayang Lucenahin ang iba’t ibang serbisyo tulad ng libreng pagpaparehistro mula sa Office of the City Civil Registrar, libreng notaryo ng City Legal Office at libreng gupit mula sa Lucena Manpower Skills Training Center. Kasabay nito ay ang pamamahagi ng emergency balde o E-Balde ng City Risk Reduction and Management Office at mga binhi at kagamitang pangsaka mula naman sa Office of the City Agriculturist. Kaagapay rin ang City Engineering Office para sa mga minor repair works at General Services Office upang patuloy na isulong ang environmental concerns ng lungsod.
Hangad ni Mayor Alcala na mas mapadali ang pag-aasikaso ng mga Lucenahin ng kanilang iba’t ibang pangangailangan sa Pamahalaang Panlungsod.
Inilunsad ang People’s Day noong July 2. Sa kasalukuyan, ilan sa mga nabisitang barangay ay ang Brgy. 3, Barra, Bocohan, Domoit, Cotta, Ilayang Dupay, Ilayang Talim, Isabang at Mayao Silangan.
Leave a Reply
Want to join the discussion?Feel free to contribute!