Nakibahagi sa Teachers Day celebration, Mayor Alcala namahagi ng laptops

Muling bumalik sa tanggapan ng DepEd Lucena si Mayor Roderick Alcala upang tuparin ang kaniyang pangako sa kagawaran na ayuda sa mga punong guro at opisyal nito.

Kasama ang kaniyang panganay na anak, youth advocacy ambassador ng lungsod Mark Alcala ay personal na ipinagkaloob ng punong lungsod ang 86 na yunit ng laptop. Tinanggap din ng mga punong guro ang tulong pinansyal sa Brigada Eskwela mula sa alcalde.

Tiniyak ni Mayor Alcala ang patuloy na all-out support ng pamahalaang lokal upang mapadaloy ang edukasyon ng mga Lucenahin.

Ang pamamahagi ay isinagawa kasabay ng pagdiriwang online ng DepEd- Lucena ng National Teachers Day/ World Teachers Day celebrations.

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *