Nagwagi sa unang virtual celebration ng Linggo Ng Lucena, pinarangalan
Ginawaran ang mga Lucenahing nanalo sa mga online competitions na bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Lucena noong Agosto 24.
Pinangunahan ito nina City Administrator Anacleto Alcala Jr. at Tourism Officer Arween Flores. Dumalo din sa programa si Cirene Simon Simbahan bilang kinatawan ni Councilor Benito Brizuela Jr. para sa Committee for Tourism & Cultural Affairs.
Nanaig si Kenzy Kisakeya L. Veluya ng Calayan Educational Foundation, Inc. sa Online Quiz Bee. Nasa ikalawang puwesto ang mag-aaral ng Lucena West I Elementary School na si Cadence Rayne A. Makipagay habang si Agatha Sia naman ng Lucena East III ES ang nasa ikatlong puwesto.
Si Frances Mylcah Matienzo, ang nagwagi sa Essay Writing Contest na may temang “Ipinagmamalaki ko… Lucenahin Ako!” Sina Marcos Issachar at Christian Danganan ang nasa ikalawa at ikatlong puwesto.
Samantala, tinanghal ng kampeon sa Spoken Word Poetry si Jhon Rouvic Posas. Naka sentro ang kanyang piyesa sa “Kabayanihan at Papuri sa mga COVID-19 Frontliners ng Lungsod ng Lucena.” Nakuha ni Jan Jeremy De Guzman ang ikalawang puwesto habang nakopo naman ni Mikee Garcia ang ikatlong puwesto.
Obra ni Arnold Abang ang tinanghal na kampeon sa Digital Arts Poster Making Contest. Pumangalawa ang likha ni Ann Mignonette Nuñoz at si Nikki Zairen Daya naman ang nasa ikatlong puwesto.
Ang Office of the City Tourism ang nangasiwa sa awarding ceremonies.
Leave a Reply
Want to join the discussion?Feel free to contribute!