Modular TV learning, ilulunsad ng pamahalaan at DepEd Lucena

Pormal na nilagdaan ng Lucena LGU sa pangunguna ni Mayor Roderick Alcala at ng Department of Education – Lucena City sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Dr. Hermogenes Panganiban ang Memorandum Of Understanding (MOU) sa isasagawang Modular TV Learning para sa mga mag-aaral ng Lungsod.

Sa ilalim ng kasunduan, mapapanood sa TV 12 Lucena mula 17 hanggang ika 21 ng Agosto ang mga sample episodes or online lessons bilang bahagi ng simulations at dry runs for blended learning.

Ang test broadcast ay magsisimula ng 8.30 – 11.30 ng umaga at 1.30 – 4 ng hapon. Ayon kay Dr. Panganiban, dalawang lungsod lang sa buong CALABARZON ang magsasagawa ng ganitong sistema ng edukasyon ngayong panahon ng pandemya – ang Lungsod ng Dasmariñas at Lucena, na una rin sa lalawigan ng Quezon.

Tiniyak naman ng alkalde ang patuloy na suporta ng pamahalaang panlungsod sa mahalagang adhikain na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng pandemyang ating nararanasan.

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *