Mayor Mark Alcala, Inihayag Ang Tagumpay Ng Unang Taon Sa Panunungkulan Sa Kaniyang First State Of The City Address

Buong pagmamalaking iniulat ni Mayor Mark Don Victor B. Alcala ang mga significant accomplishments ng unang taon ng kaniyang panunungkulan sa First State of the City Address (SOCA) nitong ika-31 ng Hulyo.

Ito ay isinagawa sa loob ng isang espesyal na sesyon ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Presiding Officer at Vice Mayor Roderick A. Alcala.

Sa talumpati ni Alcala sinabi nito na malaki ang itinaas ng local revenue collection dahil sa Tax Amnesty Program na ipinasa sa ilalim ng City Ordinance No. 2876.  Ito ay nagkaloob ng karagdagang kita na 79.5 million pesos mula sa Real Property Tax

Inihayag rin ni Mayor Alcala na unang bahagi palang ng taon ay mayroon ng mahigit na 5,300 na negosyo ang rehistrado sa Business Permit and Licencing Office (BPLO), dahilan upang tumaas ng 23.63 % ang Business and Other Taxes.

Ayon kay Mayor ang isinagawang series of road clearing operations sa poblasyon kabilang ang paligid ng Lucena City Public Market ay nagbunga ng positibong resulta.  Mula sa 10.7 million peso collection ng ating pamilihang bayan noong June 30, 2022, tumaas ito ng 52% o mahigit 16.3 milyon.

Ang Floating Resturant and River Cruise, isang tourism enterprise na sinimulan noong nakaraang taon ay nakaakit ng mahigit 2000 costumers at kumita ng humigit kumulang 1.9 million pesos.

Binigyang diin nito sa ulat ang pagpapaganda ng serbisyo ng lokal na pamahalaan sa tulong ng “Sa Lucena, VIP Ka” Program, Human Resource Information System, Upgraded Frontline Services and Facilities at ang Renovated 4th Floor Multi-purpose Space.

Ibinida rin nito ang iba’t-ibang serbisyong pangkalusugan ng City Health Office para sa mga kabataan, Mothers at Senior Citizens sa pamamagitan ng programang Movement Against Malnutrition (MAMA), Ligtas Buntis, at Boomerang: Balik Kalinga kay Lolo at Lola.

Ipinangako naman nito ang patuloy na suporta sa libreng dekalidad na Tertiary Education matapos na sunod-sunod na pagkilalang natanggap ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena kabilang ang pagiging Top Performing Tertiary Education Institution sa Social Welfare sa buong bansa.

Prayoridad din aniya ng kaniyang liderato ang pagpapaganda ng disaster response kaya binuo ang Lucena City Command Center, Lucena Emergency 911 App, at Eagle Eye a 360-degree camera surveillance system na maaaring nakatulong upang malaman ang kalagayan ng traffic, street crimes, flood level, fire, storm suge at maging ang impending tsunami.

Bilang panghuli inihayag niya ang mga proyektong pangkapaligiran at pangkalikasan kung saan aniya aprubado na ng DENR ang New Sanitary Landfill, at ang Forest Land Use Plan ay pinagtibay ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Matapos ang kanyang pag-uulat, umani ng masigabong palakpakan ang Alkalde mula sa mga dumalong barangay officials, heads ng lokal na kagawaran at national agencies, business sector, bankers and educators.

Pinasalamatan ni Mayor Alcala ang lahat ng mga taong nakatuwang, nakasangga at nakasama sa kanyang adhikain para BOOM Lucena.

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *