Lucena LGU, namahagi ng school supplies at copy machines

Bilang pagtiyak na walang Lucenahin na maiiwan sa pag-aaral ngayong panahon ng pandemya, namahagi kamakailan ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Roderick Alcala ng school supplies sa mga mag-aaral ng K-12 at ALS (Alternative Learning System).

Umabot sa 58,420 mag-aaral ang nakatanggap ng school bags lakip ang pad paper, writing, composition at binder notebooks, crayons, pencils at pens.

Samantala, tinanggap din ni City Schools Division Superintendent Dr. Hermogenes Panganiban mula sa punong lungsod ang 26 na mga unit ng copy machine na pangunahing pangangailangan ng mga pampublikong paaralan at mga guro sa paggawa ng modules.

Nangako rin si Mayor Alcala ng ayuda sa mga punong guro at mga opisyal ng DepEd Lucena sa kailangang nilang laptop para sa pagbubukas ng klase sa October 5.

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *