Lucena LGU at DENR CALABARZON, lumagda sa MOA Pursuant to Proclamation No. 436
Abot-kamay na ng mga kababayan natin ang pangarap na magkaroon ng sariling lupa.
Ito’y matapos lagdaan ni Mayor Mark Don Victor Alcala at Regional Executive Director Nilo Tamoria ng DENR CALABARZON, August 9, ang Memorandum of Agreement pursuant to Proclamation No. 436 na nag lalaan ng lupa sa dating landing, isang ‘abandoned airfield’ sa Brgy. Ibabang Iyam para sa mga programang pabahay ng gobyerno.
Kabilang sa mga makikinabang sa programang ito ay ang mga kawani ng pamahalaan (CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines, DENR, Lucena City LGU) at urban poor.
Kasamang sumaksi sa signing ceremony sina CAAP Asset Management Division Chief III Capt. Thomas Tannhauser Fortun, PENR Officer For. Ronilo Salac and CENR Officer For. Engr. Cyril Coliflores.
Sinaksihan din nina Kon. Ryan Caezar Alcala, Wilbert Mckinly Noche, Patrick Norman Nadera, Americo Lacerna, Benito Brizuela Jr., Edwin Pureza, Elizabeth Sio at City Administrator Anacleto Alcala,Jr. ang naturang seremonya.
Inihanda at inorganisa ang signing ceremony ng Office of the City Urban Poor Affairs sa pamamahala ni OCUPA Head Miled Ibias.
Leave a Reply
Want to join the discussion?Feel free to contribute!