Libreng WiFi sa Lucena City
Pinangunahan ni Secretary Gregorio Honasan II ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paglulunsad ng Free Wi-Fi for All Program (FW4A) sa Lungsod noong ika-11 ng Disyembre, 2020.
Pormal na nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DICT at pamahalaang lungsod sa pangunguna nina City Councilor Benito Brizuela, City Administrator Anacleto Alcala Jr. at sinaksihan naman ni Mark Alcala, Youth Advocacy Ambassador at DICT Regional Director Reynaldo Sy.
Sa ilalim ng Republic Act 10929 o Free Internet Access in Public Places Act, sakop ng DICT ang pagbibigay ng libreng internet access sa mga pampublikong lugar kabilang ang mga plaza, paaralan, rural health units, transport terminals, mga hospital, at community quarantine sites.
Isinagawa rin ang formal turnover ng ICT equipment package sa ilulunsad na Tech4ED Center sa Lucena City Library.
Ang Tech4ED ay kumakatawan sa Technology Empowerment for Education, Employment, Entrepreneurship at Economic Development.
Leave a Reply
Want to join the discussion?Feel free to contribute!