Groundbreaking sa itatayong Lucena City General Hospital, isinagawa
Malaking tulong upang lalong palakasin ang healthcare services ng lungsod ang itatayong 150-bed capacity Lucena City General Hospital.
Sa isinagawang Groundbreaking Ceremony noong January 15 sa Brgy. Mayao Parada, Panauhing Pandangal si Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, Chair ng Senate Committee on Health. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Sen. Go na patuloy niyang isusulong ang pagpapalawig ng healthcare services sa lahat ng mga Pilipino, saan man sila sa Pilipinas.
Nagpasalamat naman ang Punong Lungsod Roderick Alcala sa lahat ng taong tumulong maisakatuparan ang pagkakaroon ng sariling pagamutan para sa lungsod. Aniya ay lalong mapadadali ang healthcare access para sa mga residenteng nangangailangan nito.
Ang 3-hectare donated lot ay inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan sa itatayong hospital samantalang sa pamamagitan ni 2nd district Rep. David Suarez at Senator Go ay naglaan ang pamahalaang nasyonal ng P140M.
Leave a Reply
Want to join the discussion?Feel free to contribute!