Drug-Free Workplace Sa Mga Tanggapan Ng Lokal Na Pamahalaan, Isusulong
Maigting na ipatutupad sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan ang “Drug-Free Workplace o DFWP”. Hangad ng lungsod ng Lucena na maging kauna-unahang HUC sa bansa na maidedeklarang DFWP ang mga tanggapan.
Sa orientation na ginanap nitong ika-17 ng Mayo ay binigyang diin ni IO IV Leverettee Lopez, PDEA-Assistant Provincial Officer ang mga polisiya ng DFWP lalo’t higit ang batas na saklaw nito katulad ng R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at CSC Resolution No. 1700653 – Mandatory Drug Test for Public Officials, Employees and other purposes.
Nakiisa rin si City Administrator Anacleto Alcala Jr. na siyang kumatawan kay Mayor Mark Don Victor Alcala kasama ang mga head at chief of offices.
Pinagtibay naman ang programa sa pamamagitan ng isinagawang Signing of Drug-Free Workplace Policy nina City Administrator Alcala, LCGEU-Vice President, Arturo Dominguez, CADAC Supervising Head, Francia Malabanan, at City Human Resource Management Officer Dra. Criselda David kung saan naging saksi ang PDEA-Quezon Provincial Officer IAV Noreen Bautista.
Sa huli, ay lumagda ang mga pinuno at kawani ng kagawaran sa Drug-Free Workplace Commitment.
Leave a Reply
Want to join the discussion?Feel free to contribute!