DABESKA, Mayor Alcala kinilala ng DepEd CALABARZON

Kinilala ng Sangay Panrehiyon ng Kagawaran ng Edukasyon sa CALABARZON si Mayor Roderick Alcala bilang pasasalamat sa suporta ng punong lungsod sa layunin na maipagpatuloy ang paghahatid ng edukasyon sa mga kabataang Lucenahin ngayong panahon ng pandemya.

Pinangunahan ni City Schools Division Superintendent Dr. Hermogenes Panganiban ang pagkakaloob ng plake sa isang simpleng seremonyang ginanap sa tanggapan ng alkalde.

Taos-pusong pasasalamat naman ang tugon ng ama ng lungsod sa natanggap na pagkilala. Ani pa ni Mayor Alcala, makakaasa ang Kagawaran ng Edukasyon sa patuloy na suporta ng pamahalaang lokal bilang pagtitiyak na walang Lucenahin na maiiwan sa pag-aaral.

Kamakailan lamang, nilagdaan ng kanyang opisina kasama si Dr. Panganiban ang Memorandum of Understanding (MOU) sa isinasagawang modular TV learning. Kasunod nito, ang pamamahagi naman ng school supplies, copy machines at laptops na tutugon sa pangangailangan ng kagawaran.

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *