City Accountant Ella Michelle Azagra Recipient Ng Phalga Exellence Award
Ginawaran si Ella Michelle Azagra, OIC-Office of the City Accountant ng PhALGA Excellence Award sa naganap na 18th Annual National Conference na isinagawa sa KCC Convention Center, General Santos City nitong ika-23 ng Mayo.
Ang pagkilala mula sa Philippine Association of Local Government Accountants, Inc. ay ibinibigay sa natatanging local government accountants for obtaining an Unmodified Opinion in their Annual Audit Report from the COA.
Isa si Azagra sa 180 accountants sa buong Pilipinas na tumanggap ng PhALGA Excellence Award.
Matatandaang dalawang magkasunod na taon: 2021 at 2022 ng nakakatanggap ng Unmodified Opinion ang nabanggit na opisina sa ilalim ng pangangasiwa ni Azagra.
Ang Unmodified/Unqualified Opinion ang pinakamataas na rating na ibinibigay ng COA sa mga ahensya ng pamahalaan para sa kanilang tapat, patas at responsableng paggamit ng pondo.
Leave a Reply
Want to join the discussion?Feel free to contribute!