Chikiting Ligtas Sa Boom Lucena, Nagsimula Na

 

Pormal nang nagsimula ang malawakang pagbabakuna laban sa Tigdas, Rubella at Polio sa pamamagitan ng launching nang “Chikiting Ligtas sa BOOM Lucena” sa Barangay Ibabang Dupay nitong May 2.

Pinangunahan ang programa ng City Health Office headed by Dr. Jocelyn Chua kasama sina councilor Ryan Caezar Alcala, ABC President Jacinto Jaca at SK President Rolden Garcia.

Kasama rin sa ginanap na aktibidad ang mga naging katuwang ng lokal na pamahalaan katulad ng UNICEF, World Health Organization, Relief International at Philippine Pediatric Society.  Kinatawan nina Dr. Orlando Padilla at Dr. Nick Santos ang Department of Health.

Dumalo rin sina City Local Economic Development and Investment Promotions Officer Engr. Sheena Estañero at BHA President Raquel Almoguera.

Ang programang Chikiting Ligtas sa Boom Lucena ay pagbabakuna sa mga batang 0-59 months old kontra Polio at 9-59 months old naman kontra sa Rubella at Tigdas.

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang pakikiisa ng lahat sa nationwide campaign na magtatagal hanggang ika-31 ng Mayo.

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *