Brgy. Market View, LTIA National Grand Winner

Ang Lupong Tagapamayapa ng Brgy. Market View ay itinanghal na National Grand Winner ng Highly Urbanized City category sa ginanap na CY 2022 LTIA (Lupong Tagapamayapa Incentives Awards) Lunes, 28 November.
Kinilala ang Market View dahil sa kanilang mahusay na pagpapatupad ng kaayusan at katahimikan sa pamamagitan ng katarungang pambarangay.
Tinanggap ni Mayor Mark Don Victor Alcala at Kapitan Edwin Napule ang Presidential Trophy sa seremonya ng parangal na ginanap sa Manila Hotel.
Bilang pangunahing takbuhan ng mga mamamayan, mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupon sa pagsusulong ng katarungan sa ating bansa.
Noong nakaraan taon ay may kabuuang 430,980 mga kaso ang naayos o nalutas sa buong bansa sa pamamagitan ng lupong tagapamayapa.
(PHOTOS COURTESY | Sangguniang Barangay ng Market View)
0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published.