Batch 2023 Graduates Ng Dalubhasaan Ng Lungsod Ng Lucena, Kinilala

Nagsipagtapos na ang Batch 2023 ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena nitong ika-9 ng Agosto sa isinagawang 18th Commencement Exercises sa Queen Margarette Hotel.

May temang “Embracing Resiliency, Celebrating Success”, binigyang pagkilala ang 711 graduates ng walong academic at isang diploma program ng DLL.

Pinangunahan ng Chairman of the Board, Mayor Mark Don Victor Alcala, DLL President, Dr. Maria Charmaine Lagustan at Board of Trustees ang commencement rites kasama ang naging panauhing tagapagsalita na si Dr. Raymundo P. Arcega, pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa.

Nakiisa rin sa seremonya si Vice Mayor Roderick Alcala, Kon. Dr. Edwin Pureza at Kon. Elizabeth Sio at mga pinuno ng kagawaran ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan ni Abegail Catapang, BSPA, Cum Laude na nagpahayag ng address of gratitude at Jose Alfred Magat, BSIT, Cum Laude na nanguna sa pledge of loyalty ang walong Dalubcenians na nagkamit ng latin honors.

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *