Bagong Youth Ambassador ng lungsod hinirang

Hinirang na bagong Youth Ambassador ng lungsod si Angelica Alcala ng Brgy. Mayao Crossing.

Sa ilalim ng mandato bilang tagapangulo ng Local Youth Development Council (LYDC), hinirang ni Konsehal Rolden Garcia si Bb. Alcala kahalili ni Mayor Mark Alcala, dating youth ambassador.

Bilang katuwang ng LYDC, si Bb. Alcala ay magsasagawa ng iba’t-ibang youth development projects and activities at mangunguna sa mga inisyatibong magsusulong sa karapatan at magandang kinabukasan ng bawat kabataang Lucenahin.

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published.