Calendar of Events
Live. Love. Lucena
 
Home
 
  Lucena Hymn
Philgeps
BUSINESS PERMIT & LICENSING OFFICE

Latest News
  • May
  • April
  • March
  • February
  • January

Mayor DonDon Alcala at maybahay na si First Lady Maggie Alcala-Lucena City - Naging napakalambing ng sandali para kina Mayor Dondon Alcala at maybahay na si First Lady Maggie Alcala sa gitna ng kasiyahan sa isinagawang proklamasyon sa alkalde kaninang umaga sa Sangguniang Panglunsod session hall. Read More..


Pormal nang iprinoklama ng Commission on Election-Lucena City - Pormal nang iprinoklama ng Commission on Election si Lucena City Mayor Roderick "Dondon" Alcala matapos ang overwhelming number of votes na nakuha nito sa katatapos na national midterm election. Read More..


Anacleto Alcala III, nanguna sa may pinakamataas na boto sa pagka-Konsehal ng Lucena City-Lucena City - Nanguna sa may pinakamataas na nakuhang boto ang pamangkin ni Mayor Dondon Alcala na si Anacleto Alcala III sa pagka-konsehal ng lungsod ng Lucena. Marami ang nagulat sa malaking boto na nakuha ni III Alcala na ngayon pa lang sumabak sa larangan ng pulitika. Read More..


Tagasuporta ni Mayor Dondon Alcala, naging emosyonal at naiyak pa sa labis na tuwa sa isinagawang proklamasyon sa alkalde-Lucena City - Naging emosyonal ang marami sa mga tagasuporta ni Lucena City Mayor Dondon Alcala at karamihan pa sa mga ito ay napaiyak dahil sa sobrang saya matapos ang isinagawang proklamasyon kanina sa session hall ng Sangguniang Panglunsod. Read More..


Eleksyon sa Lucena City at buong Southern Luzon, naging generally peaceful ayon sa PNP at AFP-Lucena City - Naging generally peaceful ang isinagawang national midterm election dito sa lungsod ng Lucena at lalawigan ng Quezon. Ito ang ginawang pahayag ng Lucena City PNP sa ginawang panayam ng TV 12. Read More..


Sikat na dating PBA player Robert SonnyJaworski, sumama kina Mayor Dondon Alcala sa pamamahagi ng reading glass-Lucena City – Nakiisa ang living legend ng Philippine Basketball Association na si dating Senador Robert “Sonny” Jaworski sa pamamahagi nina Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala at dating Vice Mayor Philip Castillo ng mga reading glass o salaming pambasa sa Purok Pinagkaisahan Barangay Gulang gulang noong nakaraang Linggo. Read More..

Honorarium ng mga Huwes ng MTCC pinataasan ni Mayor Dondon Alcala-Lucena City - Pormal na inanunsyo ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala ang pagtataas sa honorarium ng mga Huwes ng City Court. Mula sa dating P4-libo na buwanang tinatanggap ng mga ito sinabi ni Mayor Dondon Alcala na gawin na itong P10-libo kada buwan. Read More..

Libo katao, dumalo sa ika-100 araw na ulat sa bayan ni Mayor Dondon Alcala-Lucena City – Lubos na hinangaan ng maraming mamamayan sa lungsod ng Lucena ang ginawang pagrereport ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala kaugnay sa kanyang mga naging accomplishment sa loob ng 100 araw na paglilingkod bilang ama ng lungsod. Umani ng masigabong palakpakan mula sa audience na sumaksi ang bawat detalye ng kanyang accomplishment report. Read More..

6 na kaso ng katiwalian, patuloy na tinututukan ng administrasyon ni Mayor Dondon Alcala-Lucena City – Anim (6) na kaso ng katiwalian ang binabantayan ngayon ng administrasyon ni Mayor Roderick Dondon Alcala bilang bahagi umano ng paglilinis ng kabahayan at para alisin ang mga duming naipon sa pamahalaang panglungsod. Read More..

MGA JETMATIC WATER PUMP, IPINAGKALOOB SA ILANG PUROK SA IBABANG IYAM-Lucena City – Nagkaloob si Mayor Roderick “Don-Don” Alcala ng may pitumpong (70) Jet-Matic Water Pump sa ilang mga purok sa Barangay Ibabang Iyam sa lungsod ng Lucena kamakailan. Read More..

YELLOW CARD MEMBERS LALO PANG DUMAMI-Lucena City - Lucena City – Patuloy nang dumarami ang mga miyembro ng Yellow Card Program ni Mayor Roderick “Don-Don” Alcala sa lungsod ng Lucena. Read More..

Clean & Green Program Barangay Contest, nagsimula na-Lucena City - Lucena City - Nagsimula na dito sa lungsod ng Lucena ang Clean & Green Program Barangay Contest at ang implementasyon ng Zero Plastic. Read More..

I.T DAY IPINAGDIWANG NG CITY COLLEGE-Lucena City - Lucena City – Ipinagdiwang ng Information Technology Department ng City College of Lucena ang kanilang “I.T. Day” sa Event Theater ng Pacific Mall noong Biyernes na kung saan ay naimbitihan si Mayor Roderick “Don-Don” Alcala bilang pangunahing tagapagsalita. Read More..

READING GLASSES IPINAMAHAGI NI MAYOR ALCALA SA BRGY. MAYAO CASTILLO-Lucena City - Lucena City – Namahagi ng may tatlong daan (300) salaming pambasa o reading glass si Mayor Roderick “Don-Don” Alcala sa mga mamamayan ng Barangay Mayao Castillo kamakailan. Read More..

Blue Card, 4P’s at yellow card holders, pantay na makakakuha ng tulong mula sa Pamahalaang Panglungsod-Lucena City - Tiniyak ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala na pantay na makakakuha ng tulong mula sa Pamahalaang Panglunsod ang mga Lucenahing nagtataglay ng ibat-ibang uri ng card, maging ito man ay blue card, yellow card o 4P’s (Pantawid Pamilya Pilipino Program). Read More..

First lady ni Mayor Dondon Alcala, masayang humarap sa mga residente ng Barangay Ibabang Iyam-Lucena City – Masayang hinarap ng maybahay ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala na si Gng. Maggie Alcala ang mga residente ng Barangay Ibabang Iyam na nagtungo sa Medical & Dental Mission na inorganisa ng tanggapan ng alkalde sa pakikipagtulungan ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Read More..

Pagpapayabong ng mga palayan at produksiyon nito, patuloy na tinututkan ng CAO-Lucena City – Patuloy na isinusulong ng City Agriculturist Office ang pagpapayabong ng palayan sa lungsod na ito. Sa esklusibong panayam ng TV 12 kay Mr. Joe Canlas, ang hepe ng City Agriculturist Office, ang programa nila kaugnay sa rice subsidy o pagbibigay ng mas murang binhi ng palay ay patuloy na ipinagkakaloob sa mga magsasakang Lucenahin. Read More..

Backyard gardening & farming, isinusulong para sa Clean & Green Program-Lucena City – Nakatakdang pasimulan sa lalong medaling panahon ang Clean & Green Program ng City Government na isa sa mga pet project ni Lucena City Mayor Roderick kung saan inaasahang lalahok ang may 33 barangay sa lungsod. Read More..

City PESO, tuloy sa pagbibigay ng serbisyo sa mga Lucenahing nangangailangan ng trabaho-Lucena City – Tiniyak ng pamunuan ng City Public Employment & Services Office o PESO na tuloy ang kanilang tanggapan sa paghahanap ng mga mapapasukang trabaho ang mga Lucenahin na nangangailangan ng mapagkakakitaan. Read More..

Libreng internet access sa City Cybrary, isa sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng City Library-Lucena City – Malaking tulong at malaki din ang matitipid ng isang estudyante na nangangailangang magsagawa ng research online sa libreng computer internet access na ipinagkakaloob ng City Library. Sa panayam ng TV 12 kay Ms. Ivy Rose Delaro, hepe ng City Library, sinabi niya na laging bukas ang Cybrary ng kanilang opisina kung saan mayroon silang 14 na computer units na libreng maaaring gamitin ng mga nagnanais na mag-research online. Read More..

Drugs & crime prevention, ilan sa mga pinatututukan ni Mayor dondon Alcala sa bagong hepe ng Lucena PNP-Lucena City – Sinabi ni PSupt. Allen Rae Co, ang bagong hepe ng Lucena City PNP na simple lang ang nagging kautusan ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala, ito ay ang higit na pagtuunan ng pansin ang ukol sa crime and drug prevention sa lungsod ng Lucena. Read More..

Padyak ng Nagkakaisang Siklista ni Mayor Dondon Alcala, isasagawa sa Feb. 17-Lucena City - Inaasahang dadagsa pa ang bilang ng mga lalahok sa nalalapit na Fun ride ng City Sports Development Office na may temang Padyak Para sa Puso : Pangkalusugan at Padyak ng Nagkakaisang Siklista ni Mayor Dondon Alcala, na isasagawa sa araw ng Linggo. Read More..

Pangongolekta ng 10% amusement tax sa 2 sabungan ng lungsod, mahigpit na ipatutupad sa lungsod ng Lucena-Feb. 14, 2013-Lucena City – Inaasahan ang malaking paglobo ng koleksyon sa amusement tax ngayong taong 2013 matapos mahigpit na ipag-utos at ipa-implementa ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala ang City Ordinance No. 2285 ng Local Revise Revenue Code na nag-aatas sa pangongolekta ng 10% amusement tax sa tuwing may sabong ang dalawang cockpit arena sa lungsod. Read More..

Mayor Dondon Alcala, nakiusap-Feb. 04, 2013-Lucena City - Pinakiusapan ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala ang mga kawani ng Pamahalaang Panglungsod na umiwas na sa isyu ng pulitika, at atupagin na lamang ang kani-kanilang mga trabaho sa kanilang mga tanggapan. Read More..

Transport sector, suportado si Mayor Dondon Alcala sa pag-aayos ng daloy ng trapiko sa lungsod ng Lucena-Feb. 04, 2013-Lucena City – Tumanggap ng positibong pagtugon mula sa transport sector ang administrasyon ni Lucena City Mayor Dondon Alcala kaugnay sa inisyatibo nito na ayusin ang daloy ng trapiko sa lungsod. Read More..

Mayor Dondon Alcala, lumaro ng basketball sa Sports Festival ng City College of Lucena-Feb. 01, 2013-Lucena City - Nadagdagan ng sigla ang sports festival na isinagawa ng City College of Lucena sa Punzalan Gymnasium nong nakaraang lingo matapos na lumahok ang mayors team sa basketball kontra sa Faculty team ng nasabing eskwelahan. Read More..

Mga negosyanteng hindi umabot sa deadline ng business renewal, binigyan ng extension - Feb. 01, 2013- Lucena City – Walang dapat na ipangamba ang mga negosyante na hindi umabot sa renewal sapagkat hihindi magpapataw, bagkus ay nagbigay ng extension ang Business permit and Licensing Office, ito ang ipinahayag ni Mr. Joe Colar sa isang panayam sa kanya Read More..

Asong gala, bawal na sa Lucena - Feb. 01, 2013 - Lucena City -  Lucena City - Pinaalalahanan ng City Veterinary Office ang mga pet owners dito sa lungsod ng Lucena na huwag hayaang alpas ang kanilang mga alagang aso upang makaiwas sa disgrasya gaya na lamang ng nangyari sa batang namatay matapos sakmalin sa leeg ng isang nakawalang aso sa Zamboanga City. Read More..


Mga proyekto ni Mayor Dondon Alcala, umani ng masigabong palakpakan sa isinagawang Barangay Justice Symposium - Jan. 28, 2013 Lucena City -  LUCENA CITY – Namayagpag ang kulay dilaw sa conference hall ng Sulo Riviera Hotel sa Barangay Ibabang Dupay kung saan ginanap ang Symposium ng Barangay Justice na dinaluhan ng daan-daang miyembro ng Lupong Tagapamayapa ng mga barangay ng Lungsod ng Lucena na nagmula sa iba’t-ibang barangay ng lunsod. Read More..

Tuition fee sa City College, libre na ngayon - Mayor Dondon Alcala - Jan. 28, 2013 Lucena City -  LUCENA CITY – Umani ng malakas na sigawan at palakpakan si Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala, makaraang ipahayag nito sa harap ng mga estudyante at faculty members ng City College of Lucena na libre na ang matrikula sa lahat ng estudyante ng nabanggit na kolehiyo. Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Dondon Alcala kasabay sa pagbubukas ng CCL Sports Festival 2013 na ginanap sa City Sports Complex sa Barangay V, noong nakaraang linggo. Read More..

Rivers Resuscitation Program, suportado ni Mayor Dondon Alcala - Jan. 25, 2013 Lucena City -  LUCENA CITY – Nagpahayag ng kanyang buong suporta si Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala kaugnay sa Rivers Resuscitation Program na isinusulong ng local na pamahalaan sa pamamagitan ng City Planning & Development Office at ibat-ibang sektor sa lungsod ng Lucena. Read More..

Mahigit 300 residente sa Brgy. 5, nakinabang sa unang arangkada ng Medical & Dental Mission ngayong taon - Jan. 17, 2013 Lucena City -  LUCENA CITY –Tumanggap ng tulong medikal at dental ang humigit kumulang sa 300 residente ng Barangay 5 matapos ang kauna-unahang Medical & Dental Missions ngayong taong 2013 na inilunsad ng tanggapan ni Mayor Dondon Alcala. Read More..

Pagtatayo ng 2 satellite market sa Lucena City, naikasa na - Jan. 17, 2013 Lucena City -  LUCENA CITY - Nakatakdang umpisahan ang konstruksyon ng dalawang satellite market sa dalawang malaking barangay ng lungsod na ito. Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Dondon Alcala, na ang dalawang satellite market ay itatayo sa mga barangay ng Ibabang Dupay at Gulang-Gulang. Read More..

Trak na panghakot ng basura, personal na in-inspeksyon ni Mayor Dondon Alcala at Administrator Jun Alcala - Jan. 17, 2013 Lucena City -  Lucena City – Nagsagawa ng inspeksyon ang opisina ni Mayor Roderick Don-Don Alcala kasama ni City Administrator Anacleto Alcala Jr. sa motorpool ng General Services Office na kung saan naroroon ang mga trak na ginagamit na panghakot ng basura sa Lungsod ng Lucena. Dito pinulong ni Mayor Alcala ang mga namamahala sa paghakot ng basura at paglinis sa mga pangunahin kalye ng lungsod upang mapag-usapan kung ano ang dapat gawin upang lalong mapaganda ang serbisyo ng mga ito sa mga mamamayan ng lungsod. Read More..

Populasyon sa Quezon, tumaas ng 18% - Jan. 11, 2013 Lucena City -  Tumaas ng 18% ang kabuuang populasyon ng probinsya ng Quezon sa taong 2012 kumpara noong 2000 ayon na rin sa pinakahuling census na isinagawa ng Provincial Statistics Office ng lalawigan. Read More..

Land Titling Computerization, nakatakdang ipairal ng RD-Lucena - Jan. 07, 2013 Lucena City -  Sinimulan ng ipairal sa lungsod na ito ang Land Titling Computerization Program o LDCP sa pamamagitan ng Registry of Deeds. Sa flag raising ceremony kanina, sinabi ni Atty. Patrick Wendell Ilagan, hepe ng RD-Lucena, ang LDCP ay ang 4th phase program ng Land Registration Authority kung saan ang lahat ng sangay ng Registry of Deeds ay dapat tumugon. Read More..
January 3, 2013 PRESS RELEASE - Jan. 03, 2013 Lucena City - LUCENA CITY - Mas maayos at mas may sistemang pamamaraan ang ipinairal ng tanggapan ng Business Permit and Licensing Office sa unang arangkada ng Business Application at Renewal kahapon.
Sama-samang nag opisina , sa pangunguna ni Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala, ang mga kinauukulang ahensya, tulad ng Bureau of Fire, City Health, at iba pang kaugnay na opisina sa tanggapan ng BPLO upang mas mabilis na maiproseso ang lahat ng mga business application at renewal. Read More..

January 2, 2013 PRESS RELEASE - Jan. 02, 2013 Lucena City -  Bumandera ang galing ng mga taga Barangay Mayao Castillo matapos na tanghaling grand winner sa isinagawang Solo Singing Contest ang kanilang pambato na si Ermalyn Garcia. Nakuha ni Ermalyn ang pinakamataas na score na 94% para sa kanyang winning piece na Bohemian Rhapsody. Read More..

January 2, 2013 PRESS RELEASE - Jan. 02, 2013 Lucena City - Lucena City – Tuwang-tuwa ang lahat na dumalo at nakasaksi sa kauna-unahang spectacular fireworks display para sa New Year’s Countdown na ginanap nitong Lunes ng gabi. Ito ang programang handog ni Mayor Roderick “Don-Don” Alcala sa mga Lucenahin para samakabuluhang pagsalubong ng bagong taon.
Ang naturang programa ay sinimulan sa pamamagitan ng pagtugtog ng bandang “Olay Yapanit” at pormal na inumpisahan ng imbokasyon mula kay PIO Head Danny Maano. Read More..


 

 
 
Copyright © 2010 City Government of Lucena in Cooperation with Qtech BSI.