Mga bagong opisyales ng isang home owners association sa Brgy. Gulang-Gulang, pormal na namunpa kay Mayor Dondon Alcala

PIO Lucena, 2017-07-19
Pormal nang nanumpa ang mga bagong opisyales ng St. Michael Subdivision Homeowners Association kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.


Ginanap ang nasabing panunumpa sa subdivisiong nabanggit na kung saan ay pinangunahan ito ng kanilang bagong hala na presidente na si Engr. Lou Abellar at present rin sa nasabing okasyon ang dating presidente ng samahan na si Engr. Cesar Candor.


Matapos ang kanilang isinagawang panunumpa, nagbigay naman ng mensahe ang bagong talagang pangulo na kung saan ay pinasalamatan nito ang alkalde sa ginawang pagdalo sa kanilang okasyon.


Bukod dito, kaniyang sinamantala na arin ang nasabing pagdiriwang at pagtungo ng punong lungsod upang ilahad ang ilan nilang kahilingan para sa kanilang subdivision.


Ilan sa mga kahilingang ito ay ang pagsasaayos ng kanilang mga kalsada, gayundin ang pagtatayo ng multipurpose hall at ang pagsasaayos ng mga drainages sa kanilang lugar.


Samantala, sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, inihayag nit ang kaniyang buong pagsuporta sa naturang home owners association.


At bilang paumpisang pagtulong sa mga ito, sinabi ni alkalde na ang lahat ng mga materyales na gagamitin para sa pagsasagawa ng multi-purpose hall ay sasagutin na ng city government.


Hinggil naman aniya sa pagsasaayos ng mga drainages sa nabanggit na subdivision, sinabi ni Mayor Alcala na kaniyang papapasyalan ito sa mga tauhan ng City Engineering Office upang tingnan at magawan ng solusyon.


Ang pagdalong ito ni Mayor Dondon Alcala sa mga katulad na okasyon ay upang ipakita sa lahat ng mga home owners association sa lungsod ang kaniyang buong pagsuporta sa kanilang samahan at sa mga gagawing programa at proyekto ng mga ito.


Isang pagpapakita rin ito na ang lahat ng sektor at samahan sa lungsod ng Bagong Lucena ay binibigyang pansin ni Mayor Dondon Alcal dahil isa sa mga hinahangad ng alkalde ay pagkalooban ang mga itong tamang pagpapahalaga at pagkilala.